Kwentong Buntis, Iwanan Atbp.
Posted on Sep 25, 2005 under Daily Memorables |Kwentong Iwanan:
Sa kasalukuyan, ang Mommy ko at si Abbie ay nag-eenjoy sa pag-tour nila sa US of A. Ikakasal kasi yung eldest cousin ko (Mommy side) and kinuha nyang Ninang si Mommy, so free airfare
Si Abbie naman, grad gift nila kasi Cum Laude nung grumaduate. Ginawa na rin syang bridesmaid para may papel na din sya at di sayang ang pamasahe, hehehe.
Si Abbie ang pinakahuli sa aming magkakapatid na makapuntang Amerika, ako ang una (1997), si Kuya at si Agnes. Syempre, ako pinakalugi, kahit 2 months ako nag-stay dun. Si Abbie, kahit huli, makakapunta sya ng SF, LA, Vegas, Chicago, PA, New York atbp..all expense paid, tax free
Iba na talaga pag ang angkan nyo ay kasing laki at kasing close (at bait) ng sa amin.
Kahit medyo takot ako dahil wala si Mommy, ako ang manager ng bahay, dalawang tatay ang inaasikaso (si Daddy at Daddy Edil), dalawang kapatid, isang bata, isang nilalang sa sinapupunan, OK lang, kunwari OK kami dito. Gusto ko din naman mag-enjoy sila dun (Chuva lang yun, para marami akong pasalubong :P) As of the mo', wala pa sila specific date of return at ang dami nilang itinerary, pero malaki ang possibility na dun sila mag XMas.
Susunod pa si Daddy sa October. Yung kapatid nya, nung nalaman na pupunta sila Mommy, bumili din ng ticket para sa Big Brother, haaaaaaaaay, SANA MAY VISA NA AKO.
Tama na ang drama, iuupdate ko na lang ang pasalubong list ko. Marami akong gusto eh. Plus since Baby #2 is on the way, sigurado mas marami pang matatanggap yun kesa sa akin.
Kwentong Buntis:
Juskoday, ako ay tamad, antukin at masungit. Yun lang. I love looking and making fun of Edil and Matthew and constantly boss Edil around (to death.) Wala na nga akong sasahurin dahil leave ako ng leave. Wala lang, di ko lang carry ang graveyard talaga, suka ako ng suka. Ang sungit ko pa. Buti na lang AM na ako next week! Yahoo!
I'm 7 weeks (going 8 on Monday). All I can say is, ang tagaaaaaaaaaaaaaal. Ewan ko ba, gusto ko na maging 6 months na ako para magkaron naman ako ng energy at magsimula na ang nesting stage ko. I cant wait to have the drive to renovate our room and make myself pretty. Ang tamad ko eh. Hilata. Isang beses magsuklay sa isang araw, pag papasok. Si Mato nga natuto nang maglaro sa kama dahil kelangan nakatabi pa din sa akin.
Buti na lang Edil has been very patient with me. I have been spotting lately (nothing major) and Edil, since technically, it's going to be his first time to really see me go through everything, is spoiling me rotten. Hingi pera? Bigay. Gutom ako, bili mango shake? Bili. Inis ako, ang baho mo? Maliligo, kahit kakaligo pa lang. Hehehe. Ang sarap ng may puppet
Minsan lang to, kaya pinagbibigyan. Pag lumabas na to, papatulan na ako nun, hahaha.
Kwentong Plano:
Medyo nag-aaalangan ako mag CGFNS, kasi tamad pa ako mag-asikaso ng papeles ko. December na ang deadline nun eh. Bahala na si Batman. Knowing me, I'd still go for it. Sayang hirap ko eh. Kung di nga lang ako buntis, I'll be on training already at a hospital. Oh well, tyaga.
Tamad na naman ako, leche. Ulit uli, sana maulit. Bye.


Leave a comment